P13B halaga ng droga nasabat mula Jan-June 2024

Aabot sa P13 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Philippine National Police sa nakalipas na anim na buwan.

Aabot sa P13 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Philippine National Police sa nakalipas na anim na buwan.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., nasa 23,515 na operasyon ang ginawa ng PNP mula Enero hanggang Hunyo.

“Sa kalahating taon na ito sa droga, gusto nating i-report na ang nagawang operasyon ng Philippine National Police ay 23,515 na nagresulta sa pag arresto ng 28,804 na individuals, at sa pagkompiska ng P13,677,000,000,” pahayag ni Abalos.

Nasa P52 milyong halaga ng narcotics, kabilang na ang crystal meth (shabu), dried marijuana, at marijuana plants ang nakumpiska mula June 17 hanggang 21.

Sa 111 na operasyon sa parehong longhorn, nasa 123 na indibidwal ang naaresto.

Una nang sinabi ni PNP chief General Rommel Marbil na kailangang mag doble kayod ang mga pulis para maging 100 percent drug-free ang bawat komunidad.