P121M ibubuhos sa mga Pinoy na gusto mag-aral sa Japan

Nagkaloob ng P121 million grant ang Japan para sa mga Pinoy na gustong mag-aral sa kanilang bansa.

Nagkaloob ng P121 million grant ang Japan para sa mga Pinoy na gustong mag-aral sa kanilang bansa.

Nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya ang pagpirma ng Official Development Assistance (ODA) grant para sa Project for Human Resource Development Scholarship sa susunod na academic year.

Bibigyan ng post-graduate scholarship ang ilang Pilipinas sa mga unibersidad sa Japan.

Layunin nitong ihanda ang mga Pinoy para sa mga leadership role sa Pilipinas.

“Excited to meet the new 20 promising Filipino Civil Servants who’ll be off to Japan for their master’s degrees,” ayon sa X post ni Kazuya.