P12-B pondo para sa pabahay ni PBBM sa Western Visayas, pinalabas na ng DBM

Mapopondohan ang pabahay ng mga nasalanta ng kalamidad at mga informal settlers sa Western Visayas matapos magpalabas ng P12 bilyon ang Department of Budget and Management (DBM).

Magpapalabas ng P12.259 bilyong pondo ngayong taon ang Department of Budget and Management (DBM) bilang tulong pabahay para sa mga nasalanta ng kalamidad at sa mga informal settlers sa Western Visayas, ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman.

Ayon kay Pangandaman, aabot sa P12.059 bilyon ang pondo nakalaan para sa mga biktima ng kalamidad, samantalang P200 milyon naman ang inilaan para sa pagpapataguyod ng low-rise na gusali para sa mga informal settler families (ISFs).

“Housing remains a priority for President Ferdinand R. Marcos, Jr. as he strongly believes in the necessity of providing decent homes for Filipinos, particularly those adversely affected by calamities,” ani Pangandaman.

Lalabas ang pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng National Housing Authority (NHA), na tutukot sa mga proyektong pabahay ng gobyerno para sa mga low-income na pamilya.

Nasa pangangasiwa ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang NHA.