P10K sa mga 80, 90 anyos, aaprubahan ni PBBM!

Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Lunes ang batas na nagpapalawig sa Centenarians Law.

Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Lunes ang batas na nagpapalawig sa Centenarians Law.

Layon ng bagong batas na magbigay ng P10,000 tulong pinansyal sa mga Pilipinong octogenarians at nonagenarians o iyong mga may edad 80, 85, 90, at 95.

Samantala, ang mga umabot naman sa edad na 100 ay makakatanggap pa rin ng P100,000.

Dalawa pang batas ang nakatakdang pirmahan ni Pangulong Marcos sa Lunes, ito ay ang Magna Carta of Filipino Seafarers at Proudly Filipino Act.

Layon ng Magna Carta of Filipino Seafarers na siguruhin ang patuloy na pag-unlad ng Filipino seafarers sa pamamagitan ng pagsasanay at akreditasyon.

Samantala, layunin ng Proudly Filipino Act dalhin at ipakilala sa global market ang mga produktong gawa ng Pilipino at mga serbisyo.