P10K cash gift para sa 80, 85, 90, at 95 anyos, batas na!

Isa nang ganap na batas ang panukalang nag-aamyenda sa Republic Act No. 11983 o Centenarian Law, matapos itong pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes.

Isa nang ganap na batas ang panukalang nag-aamyenda sa Republic Act No. 11983 o Centenarian Law, matapos itong pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes.

Sa ilalim ng pinalawak na Centenarian Law, makakatanggap ng P10,000 ang mga Pilipinong makakatuntong sa mga edad na 80, 85, 90, at 95. Sakaling makaabot naman sa edad na 100 ay makakatanggap pa rin sila P100,000 cash gift.

“The expansion of the coverage of the Centenarians Act is a homage to the Filipino trait of compassion, and in our culture, none are showered with more kind and loving care than our elderly,” saad ng pangulo sa kanyang talumpati sa Malacañan.

“We do, after all, stand on the shoulders of these giants. But they deserve more than cash in an envelope. What they should get is a support infrastructure that every society owes to its greying population,” dagdag pa ni Marcos.

Sa lumang Centenarian Law, ang mga nakakaabot lamang sa edad na 100 ang binibigyan ng tulong-pinansyal.

Bukod sa Expanded Centenarian Law, pinirmahan rin ng pangulo ang Tatak Pinoy Act, na naglalayong palakasin ang pag-promote at paglikha ng mga produktong gawang Pinoy.

Samantala, ang Magna Carta of Filipino Seafarers ay hindi pinirmahan ni Marcos. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil, under review pa ang naturang panukala. Ang Magna Carta ay naglalayong iayon ang kasanayan ng mga Pilipinong mandaragat sa pamantayan ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers.