P100M para sure win sa eleksyon? Comelec pumalag!

Giniit ng Commission on Elections (Comelec) na walang mapapala ang mga kandidato na magbabayad ng P100M para manalo sa 2025 elections.

Giniit ng Commission on Elections (Comelec) na walang mapapala ang mga kandidato na magbabayad ng P100M para manalo sa 2025 elections.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, may mga report silang natanggap na may nag-ooffer ng milyones sa mga tatakbo para sa 2025 polls para siguradong manalo.

“Sa kasalukuyan marami po tayong nababalitaan at tumatawag sa atin na nagsisi-ikot pa rin sa buong bansa na nag o-offer at nanloloko sa ating mga kababayan, sa mga kandidato, o prospective na kandidato,” ayon kay Garcia.

Aniya, ‘scam’ ang naturang gawain at hindi dapat paniwalaan ng mga kandidato.

Saad pa niya, nakahanda ang Comelec para pigilan ang anumang uri ng dayaan para maiba ang resulta ng elekjsyon.

“Alam niyo po yung bago nating makina ay may pamamaraan para countercheck kung yan ay magkakaroon ng pagbabago ang result. Talagang sinigurado natin ang absolute transparency, yung proseso,” lahad ni Garcia.