P100 ‘di sapat: P350 dagdag sahod sa private sector workers, isinusulong sa Kamara

Sa suhestiyon na hindi sapat ang inaprubahan ng Senado na P100 dagdag sahod para sa mga manggagawa, inanunsyo ng mababang kapulungan ang P350 daily minimum wage increase sa lahat ng private sector workers.

Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga mambabatas na magkaroon ng consensus upang pag-aralan ang pag taas sahod ng mga manggagawa.

“Our workers are enduring tough times, and as their representatives, it is imperative that we find substantial solutions to alleviate their financial burdens,” ani Dalipe.

“The Speaker asked us to find ways to enhance workers’ take-home pay, including a legislated wage hike or revisions in the regional wage board mechanism,” dagdag pa nito.

Sa Miyerkules ay sisimulang talakayin ng House Committee on Labor and Employment ang mga panukala para sa wage increase, kasama na dito ang P150 across the board wage adjustment na una nang inihain sa Kongreso.