P100 dagdag sahod sa minimum wage, lusot na sa Senado

Pasado na sa third reading ng Senado ang panukalang batas na naglalayong dagdagan ng P100 ang minimum wage sa mga nagtatrabaho sa private sector.

Pasado na sa third reading ng Senado ang panukalang batas na naglalayong dagdagan ng P100 ang minimum wage sa mga nagtatrabaho sa private sector.

20 senador ang bumoto ng ‘yes’ para sa Senate Bill No. 2534 o ang ‘Act Providing for a 100 Pesos Daily Minimum Wage Increase for Employees and Workers.’

Sa naturang panukalang batas, layon na itaas ang minimum wage sa buong bansa, kabilang na sa Visayas at Mindanao na P360 ang kasalukuyang minimum salary.

Sa National Capital Region naman, nasa P610 ang minimum wage.

Inaasahan na 4.2 milyon na manggagawang minimum wage earner ang makikinabang sa naturang umento sa sahod.

Samantala, ang mga kompanya na may 10 pababa na empleyado o mga micro enterprises ay exempted o hindi saklaw ng pagtataas ng minimum wage.