P1 milyon multa sa drunk driving, isinusulong!

Naghain ng panukala si Senator Raffy Tulfo para magpataw ng mas mabibigat na parusa sa drunk driving.

Naghain ng panukala si Senator Raffy Tulfo para magpataw ng mas mabibigat na parusa sa drunk driving.

Kabilang sa mga nais iparusa ng senador sa mga motorista na mahuhuling nagmamaneho ng lasing ay multa mulang P500,000 hanggang P1 milyon kapag may namatay sa paglabag sa naturang batas.

Nais din niyang ipasuspinde ng dalawang taon ang lisensiya sa pagmamaneho ng lumabag na motorista.

Ang panukala ay naglalayong magbigay ng pangil sa ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Ayon sa senador, nakapagtala ang Land Transportation Office’s (LTO) Law Enforcement Service-Anti-Drunk and Drugged Driving Enforcement Unit ng 402 aksidente mula Enero hanggang Agosto noong 2022.

Sa naturang bilang, 353 sa mga sangkot na motorista ay nagpostibo sa alcoholic intoxication.

Samantala, tumaas ng 90% ang kaso ng drunk driving noong Nobyembre 2022 kumpara sa naitalang insidente na noong Oktubre, ayon sa datos ng PNP Highway Patrol Group.