P1-M Multa sa mga Telcos mabagal internet, sinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Makati City Representative Luis Campos Jr. na patawan ng P1 milyon na multa kada araw ang mga telcos na mabibigong maabot ang itinakdang bilis ng internet. Sa ilalim ng House Bill 10215, layunin ni Campos na parusahan ang mga telecommunications firms ng hanggang P365 milyon kada taon hangga't

Isinusulong ni Makati City Representative Luis Campos Jr. na patawan ng P1 milyon na multa kada araw ang mga telcos na mabibigong maabot ang itinakdang bilis ng internet. Sa ilalim ng House Bill 10215, layunin ni Campos na parusahan ang mga telecommunications firms ng hanggang P365 milyon kada taon hangga’t hindi sila sumusunod sa compulsory internet speed targets.

“The Philippines still has one of the slowest average mobile internet speeds in Southeast Asia, and we want to fix this through an act of Congress,” ani Campos.

Sa hakbang na ito, umaasa si Campos na magiging mas seryoso ang mga telcos sa pagtupad sa kanilang pangako sa mga konsumer. Dagdag pa niya, ang pagsunod sa internet speed targets ay kritikal lalo na sa panahon ngayon kung saan marami ang umaasa sa online platforms para sa trabaho, pag-aaral, at negosyo.

Layunin ng panukalang batas na kilalanin ang internet connection bilang isang “basic service” na saklaw ng hurisdiksyon at kapangyarihan ng regulasyon ng National Telecommunications Commission (NTC).