P1.2B binuhos sa pagpapakabit ng kuryente sa mga eskuwelahan

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1.2 billion na pondo para sa pagpapakabit ng kuryente sa ilang paaralan.

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1.2 billion na pondo para sa pagpapakabit ng kuryente sa ilang paaralan.

Ang Special Allotment Release Order (SARO) para sa pondo ay pinagkaloob sa Department of Education (DepEd), na layon ding gamitin para sa modernisasyon ng electrical system sa mga eskuwelahan sa bansa.

Ang pondo para sa kuryente ay magagamit sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas, maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, makatutulong ang pondo para masiguro ang maayos na learning environment para sa mga estudyante.

“Let us light up every classroom, sparking curiosity and igniting dreams. In the spirit of the Bagong Pilipinas, where discipline, prudence, continuous learning, patience, and integrity are paramount, let us collectively work toward a brighter future for our beloved Philippines under the visionary leadership of President Ferdinand R. Marcos Jr.,” lahad ni Pangandaman.

“Investing in education means we are also investing on the needed facilities of our students. Malaking tulong po itong pondo para maging mas kumportable ang ating mga mag-aaral at guro sa kanilang classrooms,” aniya pa.