P1.2B ayuda at serbisyo, pinamigay sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Sultan Kudarat

Aabot sa P1.2 bilyon halaga ng tulong pinansyal at programa ang ipinamahagi sa 150,000 benepisaryo sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Sultan Kudarat.

Aabot sa P1.2 bilyon halaga ng tulong pinansyal at programa ang ipinamahagi sa 150,000 benepisaryo sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Sultan Kudarat.

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng programa kahapon na siyang pinakamalaking caravan mula nang ilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang proyekto noong isang taon.

“Ngayong araw po, inilulunsad po natin ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng Pangulong Marcos dito sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa Mindanao. Ito po ay hindi lamang katuparan ng pangako ng pagkakaisa, kundi isa pang dagdag-patunay na malapit ang Mindanao sa puso at isipan ng inyong mga pinuno,” sabi ni Romualdez.

“Sa loob ng Bagong Pilipinas ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos, wala pong maiiwan – lahat kasama sa pag-unlad,” dagdag pa nito.

Kasama sa caravan ang pamamahagi ng P200 milyong halaga ng cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Pinangunahan din ni Romualdez ang pamimigay ng 30,000 sako ng bigas na tig-10-kilo ang laman sa mga piling benepisyaryo.

Tinapos ang programa sa pamamagitan ng isang Unity Concert sa Provincial Capitol Grounds.

Ang Sultan Kudarat leg ng BPSF ang ika-12 bagong Pilipinas Serbisyo Fair.