P1.2-M ayuda sa Typhoon Aghon victims, P3B pa nakahanda – Marcos

Nag-abot ang Pamahalaang Marcos ng P1.2 milyong ayuda para sa mga Pilipinong naapektuhan at mga probinsyang nasalanta ni Bagyong Aghon.

Nag-abot ang Pamahalaang Marcos ng P1.2 milyong ayuda para sa mga Pilipinong naapektuhan at mga probinsyang nasalanta ni Bagyong Aghon.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dagdag sa ayuda ay naghanda rin ang pamahalaan ng P3 bilyong halaga ng standby funds at prepositioned goods at stockpiles.

“Nagbahagi tayo ng mahigit P 1.2 milyong humanitarian assistance, at inihanda natin ang mahigit P 3 bilyong halaga ng standby funds at prepositioned goods at stockpiles, upang masiguro ang mas malawak at mabilis na tulong para sa ating mga kababayang apektado ng bagyong #AghonPH,” aniya.

Dagdag niya, tuloy ang paghahatid suporta ng mga ahensya ng gobyerno sa gitna ng sakuna at mga bagyo.

“Asahan nating patuloy ang ating mga ahensya sa pagsuporta sa bawat komunidad at pagtiyak sa maayos na kalagayan ng ating mga mamamayan,” sabi ni Pangulong Marcos.

TINGNAN: