P1.1B na development assistance para sa Pilipinas inaprubahan ng Canadian Gov’t

Bahagi ng pondo o nasa CA$12.5 milyon ay ilalaan para sa disaster resilience at ang CA$15M na nauna nang inanunsyo ni Canadian Development Minister Ahmed Hussen sa pagbisita niya sa Pilipinas noong Enero.

Inaprubahan ng Canada ang aabot sa CA$28.15 milyong o tinatayang P1.1 bilyon na development assistance para sa Pilipinas.

Inanunsyo ito ng Canadian Embassy sa Manila nitong sabado, February 10, bilang suporta na rin sa programa ng gobyerno para sa health care, disaster resilience at climate adaptation efforts.

Bahagi ng pondo o nasa CA$12.5 milyon ay ilalaan para sa disaster resilience at CA$15M na nauna nang inanunsyo ni Canadian Development Minister Ahmed Hussen sa pagbisita niya sa Pilipinas noong Enero.

Naglaan din ng CA$650,000 para naman sa “monitoring and evaluation” ng nasabing mga programa.

“The projects announced today demonstrate Canada’s commitment to addressing global challenges, such as climate change and biodiversity loss. The Philippines and Canada have shared a close partnership, built on shared values and close people-to-people ties, for decades,” ayon kay Robert Oliphant, Parliamentary Secretary to the Minister of Foreign Affairs.

“Our government will continue to be there for the Philippines through our development programming,” dagdag ni Oliphant.