P0.40 kada litro, itataas na naman sa presyo ng gas!

Matapos ang apat na linggong bawas presyo, prumeno na nga ang rollback sa presyo ng diesel at gasoline.

Matapos ang apat na linggong bawas presyo, prumeno na nga ang rollback sa presyo ng diesel at gasoline.

Ayon sa pricing advisory ng ilang mga oil companies, aabot sa P0.20 hanggang P0.40 kada litro ang itataas sa presyo ng gas — mas mataas kumpara sa projected increase ng Department of Energy (DOE).

Tinatayang magiging epektibo ang taas presyo ng gas ngayong Martes, May 28.

Matatandaang nagkaroon ng dagdag na P0.25 kada litro ng diesel at P0.30 kada litro ng Kerosene, at P0.10 kada litrong rollback ng gasoline nitong nakaraang linggo.

Ayon sa DOE, bagama’t mas mababa ang inaasahang demand sa langis para natitiranf quarter ng 2024, tumaas naman ang palitan ng piso kontra dolyar dahilan ng oil price hike.