OT, hazard pays para sa sibilyan na tauhan ng DND sa disaster agencies, gov’t arsenal, hiniling ni Teodoro sa Kongreso

Nakiusap si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Kongreso na maglagak ng special provision sa budget ng Department of National Defense (DND) na magpapahintulot sa pagbigay ng hazard at overtime pay sa mga sibilyan na tauhan nito sa disaster agencies at government arsenal.

Humihiling ang pamunuan ng Department of National Defense (DND) sa Kongreso na lagyan ng special provision ang budget ng kagawaran sa susunod na taon para magbigay ng karagdagang overtime at hazard pay para sa mga sibilyan na tauhan nito na nagtatrabaho sa disaster agencies at government arsenal.

Ipinakiusap ni Defense Secretary Gilberto Teodoro sa mga mambabatas ang karagadang bayad sa ginawang pagdinig ng House appropriations committee na pinamumunuan ni Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co.

“We have a little bit of lambing to you, some special provisions to allow us to pay our civilian employees overtime pay and, in situations where warranted, hazard pay,” ani Teodoro.

“For example, for our first disaster needs assessment teams of the OCD, they don’t get hazard pay but PHIVOLCS and other employees do. Government arsenal personnel need hazard pay because they work in a very hazardous environment,” dagdag ng kalihim.

Isa pa sa hiniling ng kalihim ang special provision na magpapahintulot sa government arsenal na magsagawa ng barter o magbenta ng scrap para makalikom ng dagdag pondo sa kanilang ahensya. Layunin rin nito na magbawas ng maraming tambak sa tanggapan nito.

Isinulong rin ni Teodoro ang muling pagtataguyod ng mga ospital sa government arsenal.

“For example, the re-establishment of trauma hospitals and other kinds of hospitals in the government arsenal to respond if there is a fire or an explosion, they are not equipped to handle the emergency,” he said.

Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program, mayroong pondo ang kagawaran na umabot sa P229,934,819,000.