OSG sisilipin ‘citizenship’ ni Alice Guo

Paiimbestigahan ng Office of the Solicitor General (OSG) kung tunay na Pilipino ba si Mayor Alice Guo ng Bamban matapos itanong ang kanyang koneksyon sa POGO sa Senado.

Paiimbestigahan ng Office of the Solicitor General (OSG) kung tunay na Pilipino ba si Mayor Alice Guo ng Bamban matapos itanong ang kanyang koneksyon sa POGO sa Senado.

Dahil dito, bumuo si Solicitor General Menardo Guevarra ng upang imbestigahan ang naturang isyu.

Sa ngayon ay abala pa umano sila sa pagkalap ng mga impormasyon na kanilang magagamit sa imbestigasyon.

“Yes, I created a special team of solicitors last week to look into the matter and determine if there is good reason to believe that the subject is unlawfully holding or exercising a public office,” ani Guevarra.

“If it could be established by proof, the OSG will commence quo warranto proceedings to oust the person concerned,” dagdag pa nito.

Samantala, makikipag-ugnayan naman ang OSG sa Commission on Elections (Comelec), Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Philippine Statistics Authority, Bureau of Immigration, at iba pang ahensya ng gobyerno.