Oras nanganganib mabawasan ng isang segundo

Maaaring mabawasan ng isang segundo ang oras dahil sa pagbabago ng pag-ikot ng mundo na dulot ng climate change at paggalaw ng lupa.

Maaaring mabawasan ng isang segundo ang oras dahil sa pagbabago ng pag-ikot ng mundo na dulot ng climate change at paggalaw ng lupa.

Sa isang pag-aaral na inilabas sa Nature Journal, napag-alamang kakailanganin nang i-advance ang orasan ng isang segundo sa binansagan nilang “negative leap second”.

Ang pagbabagong ito ay maaaring makaapekto sa Coordinated Universal Time (UTC) na nagtatakda sa mga time zones ng bansa.

Ang mundo na umiikot ng 24 oras ay hindi na matiyak na nangangailangan ng adjustment upang tumugma sa oras ng mga relo.

Lalo pa itong pinalala ng patuloy na pagkatunaw ng mga polar ice caps na nagpapabagal sa pag-ikot ng mundo.

Plano ng mga timekeepers na baguhin ang mga leap second standards pagdating ng 2030s para mabawasan ang pa-iba-iba ng oras at para mapanatiling magkakakonekta ang mga sistema.