Orange and Lemons nagngitngit sa pagsingit ni Francine Diaz

Labis na nainip at nayamot ang bandang Orange and Lemons sa kanilang pagtatanghal kamakailan sa San Jose, Occidental Mindoro dahil sa 'di inaasahang pagsingit ng aktres na si Francine Diaz.

Labis na nainip at nayamot ang bandang Orange and Lemons sa kanilang pagtatanghal kamakailan sa San Jose, Occidental Mindoro dahil sa ‘di inaasahang pagsingit ng aktres na si Francine Diaz.

Sa kumalat na video sa social media, nasa stage na ang banda nang biglang pinatawag ng host si Francine.

Pagka-akyat sa stage, bumati sa mga manonood ang aktres at dumiretso sa pagkanta ng isang awitin. Samantala, bakas sa itsura ng Orange and Lemons ang pagtataka kung bakit naka-singit sa kanila si Francine.

Nang sila na ang nagtatanghal, humingi ng respeto ang bokalista ng banda na si Clem Castro.

“Gusto ko lang manghingi ng paumanhin pero kailangan kong sabihin to para sa mga artists. Kasi dapat kaninang 11 pa kami dito e. So sana naman walang sumisingit,” saad ni Clem.

“‘Yun lang. Respeto lang ba. So ayon lang gusto ko lang sabihin ‘yon. Ayokong masira ‘yung pag-eenjoy natin ngayong gabi,” dagdag pa ng singer.

Ang mga netizen naman hati sa issue. Ayon sa ilan, dapat sisihin ang mga organizer sa kaguluhan. Habang ang iba, nabadtrip kay Francine dahil tinuloy pa rin nito ang pagkanta kahit naka-set up na ang Orange and Lemons sa stage, at napansin din niya ang pagkakagulo ng mga tao sa kanyang likuran.