Opisyal ng DICT: Good news ang nakaambang pamumuhunan ng Japanese telco sa Pilipinas

Nalugod ang isang opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa nakaambang pamumuhunan ng Japanese telecom giant na IPS Inc. at affiliate nito sa Pilipinas na ang InfiniVAN.

Nalugod ang isang opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa nakaambang pamumuhunan ng Japanese telecom giant na IPS Inc. at affiliate nito sa Pilipinas na ang InfiniVAN.

Patunay ang mga partnership na ito sa lumalaking kahalagahan ng Pilipinas sa pandaigdigang digital landscape, ayon kay Alexander Ramos, executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center, isang attached agency ng DICT.

“The investment aligns seamlessly with the country’s Digital Transformation Strategy, which seeks to leverage technology for inclusive growth and progress,” ani Ramos, na nasaksihan ang pirmahan ng isang memorandum of support sa pagitan ni IPS chief executive officer Koji Miyashita at Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy sa Tokyo noong Agosto 25.

Kasabay nito ang alok ng InfiniVAN na lumahok sa pagpapalawig ng Broadband ng Masa Project (BBMP), ang national broadband program ng gobyerno, sa pamamagitan ng public-private partnership kung saan tinatayang mamumuhunan ang kumpanya ng P4 bilyon.

Sa mga naganap na paunang usapan, nagmungkahi ang InfiniVAN na bilhin ang mga dark fiber pairs sa Philippine Domestic Submarine Cable Network, na siyang magagamit para makumpleto agad ang backbone ng BBMP.

Napagusapan rin sa pulong na naganap sa Tokyo ang pag-secure ng mga dark fiber-based na kapasidad sa mga international submarine cable system na may mga touch points sa malalaking hub tulad ng Singapore, Taiwan, Japan, US, at Europe at magkakaroon ng iba’t ibang mga landing point sa Pilipinas.

Bahagi ng proposal ng InfiniVAN ang paglatag ng mga fiber optic cables na may haba na 2,700 kilometro na magkokonekta sa Luzon, Visayas, at Mindanao, at magkakaroon rin ng 26 na bagong landing point.