Opisyal ng AFP sinabon nang magsinungaling sa CA; sustento sa pamilya P2k lang!

Nasermonan ng national defense committee ng Commission on Appointments (CA) ang isang opisyal ng militar matapos itong magsinungaling sa sustento na kanyang ibinibigay sa kanyang iniwang pamilya.

Nasermonan ng national defense committee ng Commission on Appointments (CA) ang isang opisyal ng militar matapos itong magsinungaling sa sustento na kanyang ibinibigay sa kanyang iniwang pamilya.

Nitong Martes ay inaprubahan ng CA ang pag-promote sa 129 na opisyal ng militar. Na-bypass naman ang promotion kay Ranulfo Sevilla sa ranggong brigadier general, kaya’t mananatili siya sa pagiging colonel.

Si Sevilla ay isinumbong ng kanyang asawa ng pangangaliwa at pang-aabuso. Bukod pa rito, nabuking din na P2,000 kada buwan lang ang pinapadala niya sa kanyang iniwan na pamilya.

Napahiya pa si Sevilla nang sabihin niya kay Sen. Risa Hontiveros na hindi niya naisulat ang kasunduan ng pagsusuntento, na siyang hinihingi sa kanya ng CA.

“I couldn’t really recall if I was told of the amount [of the monthly support] or the exact amount that I should offer. With all due respect, it was not really mentioned how much,” wika ni Sevilla. “This is the only time that I learned that it’s 50 percent of my base pay. No problem. I will comply.”

Dito naman umeksena si CA national defense committee chairperson Rep. Jurdin Jesus Romualdo para ipamukha kay Sevilla na nagkaroon na ng kasunduan kung magkano ang dapat niyang isustento sa kanyang dating pamilya.

“We mentioned the amount. Please, don’t tell a lie. I’m already helping you,” wika ni Romualdo.

“I’m sorry to hear that [he] has not complied with the commission’s advice for him to make things right by his estranged wife and their children,” saad naman ni Hontiveros.

“No wife and no children should have to beg for basic and proper child support,” dagdag pa ng senadora.