Opisina ni VP Sara, POGO nasa iisang building lang?

Viral ngayon sa platform na Reddit ang isang post na nagsasabing nasa loob lang ng iisang building ang Office of the Vice President at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Viral ngayon sa platform na Reddit ang isang post na nagsasabing nasa loob lang ng iisang building ang Office of the Vice President at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon sa confession ni user @heavyarmszero, dati siyang nagtatrabaho sa isang BPO company na nagrerenta sa isang building sa may kahabaan ng EDSA sa Mandaluyong.

Dito matagal na umano niyang alam na sa building din na iyon ang opisina ni Vice President Sara Duterte.

Matapos ang nakalipas na taon ay bumalik umano siya sa naturang building upang bisitahin ang kanyang mga kaibigan, ngunit laking gulat niya nang makitang puro POGO ang nagrerenta sa loob.

“Matagal ko na alam na doon ang Office the Vice President since matagal na inannounce yun and never really cared since the OVP doesn’t have a permanent office unlike Malacanang, Supreme Court, and the Senate and Congress. Pero mapapaisip ka pa din talaga na bakit sa ganitong lugar ang napili ng VP to have her Official Office. The previous offices of the OVP were QC Reception House (Leni), Coconut Palace (Binay), PNB Building (Noli), and PICC (Gloria),” kwento ng user.

“What shocked me the most nung nag kukwentuhan kami ng friends ko and very obvious pa lang when I was waiting for them in the lobby…..yup you fucking guessed it, Chinese and POGO. What used to be a building full of BPOs is now mostly POGOs,” saad pa nito.

Bukod pa riyan, mayroon din umanong Chinese restaurant sa labas ng building kung saan hindi nagpapapasok ng mga Pilipino na gustong kumain.

“To add insult to injury, outside of the building may kaninan. There is a closed and air conditioned high ceiling resto/canteen that was built specifically for the Chinese. According to my friends, kahit pinoy ka working in the POGO you are not allowed to go in there. Everyone inside is Chinese, kahit yung staff and waiters and the menus are all in chinese. Yung kainan na pang Filipino lang is the usual na nasa labas (though malinis at presentable) naman,” dagdag pa ng user.

Umani ang naturang post ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. Narito ang kanilang sinabi:

“This is true. I live in a nearby condo. May sariling kainan yung mga chinese at bawal pumasok mga pinoy.”

“This is particularly worrisome, especially if the OVP receives confidential information from the OP, or even from Cabinet meetings.”

“OMG, is this really happening?”