Operatiba ng ISIS at Al Qaeda! Pinay global terrorist, timbog sa Sulu

Isang 32 anyos na babae na operatiba ng notorious na international terror groups na ISIS at Al Qaeda ang nadakip ng otoridad nitong Huwebes sa Sulu.

Isang 32 anyos na babae na operatiba ng notorious na international terror groups na ISIS at Al Qaeda ang nadakip ng otoridad nitong Huwebes sa Sulu.

Nahuli ang suspek na si Myrna Ajijul Mabanza sa isang operasyon sa Barangay Pasil, Indanan, Sulu sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordina­ting Agency (NICA), Anti-Money Laundering Council (AMLAC), at Presidential Anti-orga­nized Crime Commi­ssion

Si Mabanza, isang dating teacher, ay isa sa mga most wanted terrorist sa bansa at nahaharap sa limang counts ng paglabag sa RA 10168 o The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 at RA 11479 o The Anti-Terro­rism Act of 2020.

Sangkot si Mabanza sa pag-transfer ng $107,000 sa noo’y ISIS-Philippines leader Isnilon Hapilon; at naging taga-hatid din ng pera sa ibang ISIS member.

Ang suspek ay idineklara ng US Defense department bilang Specially Designated Global Terrorist kasama ni ISIL founder Abu Bakr Al Baghdadi at Hapilon.

Ayon sa Philippine National Police, malaking dagok sa mga local terrorist na kaanib ng ISIS at Al Qaeda ang pagka-aresto ni Mabanza.