Open war ng Marcos-Duterte, sinimulan na ni VP Sara!

Hinulog na ni Sara Duterte ang bomba upang simulan ang giyera sa pagitan ng kampo ng mga Marcos at Duterte.

Hinulog na ni Sara Duterte ang bomba upang simulan ang giyera sa pagitan ng kampo ng mga Marcos at Duterte.

Ito ang pananaw ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa pagbibitiw si Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at co-vice chairperson ng NTF-ELCAC sa ilalim ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, ang naging desisyon ni Duterte ay hudyat na ng “open war” ng Marcos at Duterte camp kaya’t asahan na ang mga mas matinding banatan mula sa dalawang kampo..

“The resignation of VP Duterte from the Marcos Jr. Cabinet also marks the open war between the former allies and the upcomimg escalation of hostilities between the two camps,” sabi ni Castro.

Saad pa niya, sana ay agad tanggapin ni Marcos ang ipinasang resignation ni Duterte upang makahanap na ng deserving na Education secretary na makakaresolba sa education crisis sa Pinas na hindi nagawa ng dating kalihim.

“We hope that Pres. Marcos Jr. will immediately accept her resignation and appoint someone who would truly serve the education sector as its secretary,” aniya.

“Nasayang ang mahigit dalawang taon para ayusin agad ang education crisis sa bansa at benepisyo at sahod ng mga guro at education support personnel,” dagdag ni Castro.