‘Open for business’ po kami! Pilipinas, muling ibinida ni Romualdez sa WEF sa Switzerland

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan para mas palakasin pa ang ekonomiya nito at gawing mas kaaya-aya sa mga foreign investor.

Muling ibinida ni House Speaker Martin Romualdez ang Pilipinas sa harap ng mga foreign investor at opisyal ng iba’t ibang bansa bilang isang kaaya-ayang destinasyon para mamuhunan.

“We want to reiterate the message so it is not lost. We will repeat the message that the Philippines is open for business, we are strong, and we are united,” sabi ni Romualdez nitong Lunes, Enero 15, sa welcome lunch para sa delegasyon ng Pilipinas sa ginaganap na 2024 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Dagdag pa ng Speaker, mabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa, lalo pa’t may mga magandang mga reporma nang ginawa ang pamahalaan.

“(We have) great fundamentals, the macro figures are fantastic. We are in the fastest-growing region, we are the bright spot amid the global recession that we are suffering from. And within that bright spot, we look at the Philippines as the best country to invest in,” aniya.

BASAHIN RIN: Ipapaalam natin sa mundo ito! Pilipinas at MIF, isusulong ni Romualdez sa World Economic Forum sa Switzerland

Tugma naman ito sa 2024 Chief Economist Outlook ng WEF, kung saan tinukoy nito ang South at East Asia bilang isa sa sentro ng ekonomiya ngayong taon.

Ayon rin kay Romualdez, patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan para mas palakasin pa ang ekonomiya nito at gawing mas kaaya-aya sa mga foreign investor.