Oops, easy lang sa mga banat! NEDA, nakikitang hindi magtatagal ang takdang presyo sa bigas

Kumpyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na pansamantala lamang ang pagtatakda sa presyo ng bigas na may layuining ibsan ang sumirit na halaga nito sa merkado dahil sa mga mapanamantalang mga retailer at hoarder nito.

Kumpyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na pansamantala lamang ang pagtatakda sa presyo ng bigas na may layuining ibsan ang sumirit na halaga nito sa merkado dahil sa mga mapanamantalang mga retailer at hoarder nito.

Sa isang pahayag ngayong Linggo, Setyembre 3, sinabi ng NEDA na inaasahan nitong pandaliang tugon lamang ang price ceiling upang hatakin pababa ang presyo ng bigas at kontrolin ito hanggang makapasok ang anihan at mga inangkat na stock mula sa ibang bansa.

“We are confident that the imposition of a price ceiling is only a temporary measure. We expect rice harvest to commence soon and anticipate that other initiatives will produce the desired result,” ayon sa NEDA, na nagpahayag ng buong pagsuporta sa panibagong polisiyang ipinatupad ng gobyerno.

Giit ng ahensiya, hindi dapat tingnan ang kapapalabas lamang na Executive Order (EO) No. 39 bilang “standalone initiative” ng gobyerno upang labanan ang napakataas na presyo ng bigas, ang karaniwang pagkain ng Pilipino.

Sa halip, malaking aspeto pa rin sa pagkontrol ng presyo ng bigas ang pagpapatupad ng mga kaugnay na batas laban sa iligal na pag-imbak at pagpuslit nito, paliwanag ng NEDA. Kasama na rin ang pagtugis at pagkalas sa mga kartel ng bigas.

“Law enforcement authorities continue their valiant efforts to crack down on individuals who hoard, excessively profit from, smuggle, or participate in rice cartels,” ayon sa NEDA.