One House, One Voice: Pagsuporta kay Romualdez pormal na pinagtibay ng Kamara

The House of Representatives stands united in rejecting the unfounded accusations, commits itself to defend the dignity and integrity of the institution, and gives its full and unwavering support to the Speaker,”

Pinagtibay ng Kamara de Representantes nitong Lunes ang House Resolution 1562 na nagdedeklara ng suporta kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez at dumepensa kaugnay ng wala umanong basehang akusasyon ng mga senador.

Sa HR 1562, iginiit ng Kamara ang kahalagahan ng inter-parliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Ang resolusyon ay inisponsor nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, National Unity Party president and Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, PDP-Laban president and Palawan Rep. Jose Alvarez, Nationalist People’s Coalition stalwart and Rizal Rep. Jack Duavit, Nacionalista Party stalwart and Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, House Assistant Minority Leader and Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado, at TGP party-list Rep. Jose Teves, sa sesyon ng plenaryo.

“While taking criticisms is part and parcel of a healthy and working democracy, the House takes exception to the recent statements and allegations made by the Senate that undermine the independence, reputation and integrity of the House of Representatives and the leadership of the Speaker,” sabi sa resolusyon.

Nakasaad din sa resolusyon ang hindi tamang pamamaraan ng Mataas na kapulungan. “The confrontational tactics used by the Senate are detrimental to the spirit of cooperative governance and the public’s confidence in parliamentary processes,”

Mariin ding tinutulan ng Kamara ang mga akusasyon ng Senado na si Romualdez ang nagsusulong ng People’s Initiative.

Sa kabila ng mga walang basehang alegasyon ay ipinagtanggol ni Romualdez ang integridad at dangal ng Kamara.

“With its slogan ‘One House, One Voice’, the House of Representatives stands united in rejecting the unfounded accusations, commits itself to defend the dignity and integrity of the institution, and gives its full and unwavering support to the Speaker,” sabi sa resolusyon.