‘On top of his game’: PBBM, nagpakitang gilas sa APEC Summit—envoy

Ilang mga pinuno rin ang nagnais makapulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang dumalo ito sa APEC Summit sa America.

“On top of his game.”

Ganiyan inilarawan ni Ambassador Jose Manuel Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang pagdalo sa katatapos lang na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na ginanap sa San Francisco, California.

“I can tell you … he is on top of his game, so to speak,” saad ni Romualdez sa isang panayam sa ANC nitong Martes, Nobyembre 21.

Kanya naman ilang mga pinuno rin ang nagnais makapulong si Marcos, ayon kay Romualdez.

“(Leaders of) other countries sort of gravitated toward him and had a conversation with him. This is what I mean by you have now a world leader (who) is respected, and they very much would like to have a meeting with him,” aniya.

Bilang patunay, una nang iniulat ng Malacañang na nasungkit ni Marcos ang halagang $672.3 milyon na investment pledges para sa iba’t ibang larangan.