On schedule! Cha-cha, pasado sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Nakapasa sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang Resolution of Both Houses No. 2 o ang panukalang pag-amiyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Nakapasa sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang Resolution of Both Houses No. 2 o ang panukalang pag-amiyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Sa pangunguna ni presiding officer, Deputy Speaker Cebu 5th district Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco, nitong Miyerkoles ng gabi, naganap ang ikalawang pagbasa kung saan mas marami ang bumoto ng “yes” sa naturang panukala.

Dahil dito, nasunod umano ng Kamara ang kanilang itinakdang iskedyul para sa pagpasa ng Cha-cha.

Samantala, inaasahan naman na gaganapin ang pangatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo, bago ang Holy Week break sa Marso 22.