Ombusdman tatalupan na rin Chocolate Hills resort

Sinimulan na rin ng Ombudsman ang kanilang imbestigasyon tungkol sa naitayong resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Sinimulan na rin ng Ombudsman ang kanilang imbestigasyon tungkol sa naitayong resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kumikilos na ang kanilang mga tauhan para malaman kung sino ang mga nagbigay ng permit para sa Captain’s Peak Resort.

“Kahapon ay nagsimula nang lumakad ‘yung aming mga imbestigador. Isa ay pumunta sa opisina ng regional executive director sa Cebu, ‘yung tatlo naman ay pumunta ng Bohol, pumunta sa bayan, at nagkakalap kami ng mga dokumento,” saad ni Martires sa isang radio interview.

“Harinawa ngayong araw na ito ay maibigay sa amin ang listahan ng mga members ng PAMB (Protected Area Management Board), ‘yung mga taong nag-issue ng business permit at ng building permit,” aniyapa.

Matatandaan na sinara na ang Captain’s Peak matapos na malamang noong 2023 pa naglabas ng temporary closure order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa naturang resort.

Tinuturing na protected area ang Chocolate Hills matapos itong bansagan na National Geological Monument and Protected Landscape ni dating Pangulong Fidel V. Ramos taong 1997.