Oks na oks! Price ceiling sa bigas, mainam na hakbang para gipitin ang mga rice hoarder – mga eksperto

Magandang hakbang ang pagtakda ng price ceiling sa bigas sa short-term, ayon sa mga eksperto.

Patuloy na umaani ng suporta ang hakbang ng gobyerno na itakda ang presyo ng bigas mula sa mga eksperto na nagsabing mainam ang Executive Order (EO) No. 39 bilang pansamantalang hakbang habang tinutugis ang mga hoarder at smuggler.

Sa isang panayaw ng Philippine News Agency, sinabi ng ekonomistang si Carlos Manapat ng University of Santo Tomas na nasa-katwiran ang Pangulo nang ipatupad ang price ceiling sa bigas dahil sa hindi normal na pagtaas ng presyo nito.

“There must be a good reason for this (setting of price ceiling). Allowing the market to go unchecked will bring about bad effects. Interventions are necessary so all sectors can get their supply of rice,” giit ng ekonomista.

Wala gaanong nakikitang “win-win” na solution sa kasalukuyang sitwasyon mataas na rin ang presyo ng abono, at malapit na ring maranasan ng bansa ang El Niño phenomenon na magpapahirap lalo sa pagtanim sa palay.

Aniya, magsilbi sanang mensahe ang EO sa mga hoarder na nag-iimbak ng bigas para pataasin ang presyo nito.

“The (imposition of a) price ceiling is a message to hoarders to release their supply of rice. If they don’t, and the next harvest season comes, they might end up stuck with their big rice stocks… they will be at the losing end,” he said.

Para naman sa market analyst na si Astro Del Castillo, ang price ceiling ay magbibigay ng kaunting panahon sa gobyerno para resolbahin ang diumanong artificial rice shortage.

“It’s really a difficult balancing act for the President (Ferdinand R. Marcos Jr.). How do you reconcile the consumer and the economist’s point of view? There is pressure from the public to bring down the price of rice immediately. But price control is an instrument of last resort… during abnormal situations,” aniya.

“The government should support greater production, not just of rice, but also of other agricultural products. The agricultural value chain must be enhanced. The government should not be distracted from re-invigorating agro-industrial sector,” dagdag pa ni Del Castillo.