Oil price hike inaasahan sa Martes

Nakaambang magkaroon ng taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.

Nakaambang magkaroon ng taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtataya ni Rodela Romero, assistant director ng Oil Industry Management Bureau sa Department of Energy, mula P1.10 hanggang P1.50 kada litro ang itataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

“There will be price increases in gasoline, diesel, and kerosene for next week, Tuesday, February 20,” wika ni Romero.

Batay naman sa apat na araw na trading prices, aabot ng P1.12 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina. Samantala, P1.42 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel habang P1.29 sa bawat lito ng kerosene.

Nitong nagdaang linggo ay nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis. Ang naturang rollback ay tumuldok sa limang sunod-sunod na linggo na oil price hike.