Oil Price hike ikakasa sa susunod na linggo

Asahang muli ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Asahang muli ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Kinumpirma ni Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na wala pang nakikitang indikasyon ang ahensya na magkakaroon ng pagpreno sa sunod-sunod na oil price hike.

“Itong tuloy-tuloy na pagtaas ay may expectation po tayo na mangyayari at mangyayari sa mga susunod na weeks,” aniya.

Dagdag niya, ilan sa magiging dahilan pa rin ng pagtaas ng presyo ng pretrolyo ay ang pag-ban ng European Union sa oil importation mula sa Russia, ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, at ang pagtaas ng konsumo sa langis sa summer season sa Northern Hemisphere.

Posible namang lumobo rin ang presyo ng gasolina sa P0.60 hanggang P0.90 kada litro.

Nauna nang nagtaas ang mga gas companies ng P1.20 kada litro ng gasolina, P6.85 kada litro ng diesel at P3.50 kada litro ng kerosene nitong Oktubre.