Oh shux! 7 miyembro ng BINI na-ban sa TikTok

Nakikipag-ugnayan ngayon ang P-pop girl group na BINI matapos ma-ban ang account ng mga pitong miyembro nito.

Nakikipag-ugnayan ngayon ang P-pop girl group na BINI matapos ma-ban ang account ng mga pitong miyembro nito.

Sa platform X, naglabas ng pahayag ang BINI. Anila, puspusan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa TikTok para maibalik sa kanila ang mga na-ban na account.

“We have already reached out to TikTok to request their assistance in recovering the banned accounts,” sey ng BINI.

“We have been in constant communication with them regarding the verification of BINi’s TikTok profiles,” dagdag pa ng grupo.

Samantala, umulan naman ng pag-alala ang mga tagahanga ng BINI. Narito ang kanilang sinabi:

“Thank you. Sana consistent ano po?”

“Sana naman po hindi lang sa Tiktok account but all their accounts in different platforms. Malaking impact din po social media accounts nila to promote their upcoming and existing brands. Thanks!”

“Can you also submit for verification sa ig and twitter? Ang lala na ng posers and ang gullible ng ibang netizens. They have a brand to maintain and what if masira dahil kung sa ano nalang pinopost ng mga poser? Thank you.”

TINGNAN: