Ogie Diaz sa mga nagtatanggol kay PACQ: Mas may utang na loob kayo sa mga ‘Pinoy!

Tinalakan ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang social media post ang mga personalidad na nagpapakabayani pa para lamang maipagtanggol si Pastor Apollo Quiboloy.

Tinalakan ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang social media post ang mga personalidad na nagpapakabayani pa para lamang maipagtanggol si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter) nitong Huwebes, nanawagan si Diaz sa mga kumakampi kay Quiboloy na hayaan ang pastor na ipagtanggol ang kanyang sarili.

Dagdag pa niya, ang mga nagtatanggol sa pastor ay mas malaking utang na loob sa taumbayan na kanilang pinagsisilbihan.

“Hayaan nyo siyang idepensa ang kanyang sarili at marinig natin. Wag nang magpakabayani yung iba. Kung utang na loob ang pag-uusapan, mas may utang na loob kayo sa taumbayan na dapat tanawin at ipagtanggol,” saad sa post ni Diaz.

Walang binanggit na pangalan si Diaz sa kanyang post.

Ilan sa mga senador na nagpahayag ng suporta kay Quiboloy ay sina Sen. Cynthia Villar, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos, at ang kaibigan ni Diaz na si Sen. Robin Padilla.

Maging si Vice President Sara Duterte at ang ama niyong si dating pangulong Rodrigo Duterte ay dumdepensa para sa pastor sa kabila ng mga kasong inihain laban dito.