Ogie: Bea Alonzo, Dominic Roque naghiwalay dahil sa religion

Ikinuwento ni Ogie Diaz na may narinig umano siyang tsismis ukol sa totoong dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ikinuwento ni Ogie Diaz na may narinig umano siyang tsismis ukol sa totoong dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sinabi ni Ogie na base sa kanyang mga narinig ay pinililit umano ni Dominic na magpalit ng relihiyon si Bea.

Mas bet kasi umano ng aktor ang Christian wedding. Aniya, tila nagdalawang isip pa umano ang aktor noong hindi pumayag ang aktres.

“According sa mga naririnig ko… ang gusto raw ni Dominic ay Christian wedding. Kino-convince ni Dominic itong si Bea na mag-convert as Christian,” kwento ni Ogie.

“According sa mga naririnig ko, si Bea eh parang hindi pa siya convinced. So wala pa raw sa kamalayan ni Bea ‘yung mag-convert bilang Christian. Ito naman daw si Dominic eh sabi parang baka hindi magkatuluyan or baka maghiwalay sila kung sakali na hindi pumayag si Bea,” dagdag pa nito.

Dahil dito, nagdesisyon umano ang dalawa na huwag na lang ituloy ang kasalan.

“‘Yun nga daw, parang si Dominic ay hindi makapayag. So wini-win back niya ngayon si Bea, na si Bea parang nag-decide na, huwag na ituloy, ayaw na rin niya,” sey pa ni Ogie.