OD siguro si Tatay sa fentanyl kaya kung anu-ano ang sinabi! Ex-PRRD, may amats ata nag akusahan si PBBM na adik sa iligal na droga.

Hinikayat ng Pangulong Marcos ang mga doktor ng dating Pangulong Duterte na alagaan ng mabuti ang nakakatatanda.

Epekto marahil ng nakaka-adik na fentanyl ang mga patutyada ng dating Pangulong Rodrigo R. Duterte laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“I think it’s the fentanyl,” sambit ng Pangulong Marcos nang makausap ng mga mamamahayag bago magtungo ng Vietnam para sa isang state visit Lunes ng hapon, Enero 29.

“It is highly addictive and it has very serious side effects. And PRRD has been taking the drug for a very long time now. When was the last time he told us that he was taking fentanyl? Mga five, six years ago? Something like that. After five, six years it has to affect him,” dagdag pa niya.

Hinikayat ng Pangulong Marcos ang mga doktor ng dating Pangulong Duterte na alagaan ng mabuti ang nakakatatanda.

“Kaya palagay ko kaya nagkakaganyan. I hope his doctors take better care of him, hindi pinapabayaan itong mga nagiging problema,” dagdag pa ng Pangulong Marcos.

Nang tanungin ng mga mamamahayag kung sangkot siya sa iligal na droga, tinawanan lang ng Pangulo ito at sinabing: “I won’t even dignify the question.”

Unang inakusahan ni Duterte ang Pangulong Marcos na isang adik sa iligal na droga at kasama pa diumano ito sa watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mariing itinanggi ng PDEA ang akusasyon at sinabing hindi kailanman naging kabilang ang Pangulong Marcos sa kanilang watch list.

Mismong si Duterte na ang nagsabing gumagamit siya ng fentanyl na kilalang malakas na uri ng painkiller na nakaka-adik. Maraming artista na sa Estados Unidos ang namatay sa lulong sa paggamit ng fentanyl.