Ochoa itinangging nakita PDEA drug report kay PBBM noong 2012

Mariing itinanggi ni dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na personal niyang nakita ang report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong 2012 na nagdadawit sa ilang kilalang personalidad sa iligal na droga katulad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ngayong Lunes, itinanggi ni Ochoa na kailanman ay nakipagpulong siya kay PDEA agency Jonathan Morales na tinuturong source ng illegal drug report ng PDEA.

“As earlier mentioned, I don’t even know him, and I don’t recall any occasion that we have met or talked so I completely deny that I have made those instructions as alleged,” ani Ochoa.

Samantala, idiniin naman ni Senator Jinggoy Estrada wala pa ring napapatunayan si Morales sa kanyang mga paratang hinggil sa naturang isyu.

“The fact is that former PDEA agent, Mr. Morales, has not presented any substantial proof to support his claim.

Wala ni isang tumestigo sa komiteng ito ang nakapag-corroborate sa testimonya ni Ginoong Morales. Bagkus, pinasisinungalingan pa ng mga PDEA pa mismo ang mga kwento niya at hanggang ngayon.

Matapos ang tatlong public hearings ang dokumentong sinasabi ni Morales na siya mismo ang gumawa ay hindi niya maipakita.”