OCD: Pagdating ng armas mula US, France sa ‘Pinas, fake news!

Pinasinungalingan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga kumkalat na social media post na may mga dumating na malalaking armas mula US at France sa Pilipinas.

Pinasinungalingan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga kumkalat na social media post na may mga dumating na malalaking armas mula US at France sa Pilipinas.

Sa mga kumakalat na post, ginamit pa ang pangalan ni OCD Usec. Ariel Nepomuceno at tinawag ito bilang isang Marine general.

“The OCD learned that a video was published online, reporting the ‘arrival of military equipment from the United States and France’ in the Philippines. Stated in the video was misinformation/disinformation involving the agency and its Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno,” saad sa pahayag ng OCD.

Paglilinaw ng ahensya, ang larawan ni Nepomuceno na ginamit sa post ay kinuha sa press conference para sa paghahanda sa El Niño noong 2023.

“Further, video/photos of Undersecretary Nepomuceno shown in the video are during a press conference on El Niño preparations in 2023,” dagdag pa ng OCD.

Pinayuhan ng OCD ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga nakikita sa social media hangga’t hindi ito nagmula sa mga verified na account.