OCD: Dalawa patay, 418,000 katao, inilikas bunsod nina ‘Goring,’ ‘Hanna,’ habagat

Dalawang indibidwal ang naitalang namatay diumano dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan bunsod ng epekto sa habagat nina Bagyong “Goring” at “Hanna,” ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Dalawang indibidwal ang naitalang namatay diumano dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan bunsod ng epekto sa habagat nina Bagyong “Goring” at “Hanna,” ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Kasalukuyan pang inaalam ang mga pangyayari sa pagkamatay ng dalawang tao na nagmula sa Cordillera Administrative Region at Western Visayas, ayon sa tagapagsalita ng OCD na si Edgar Posadas.

Sinabi ni Posadas sa panayam niya sa radyo na umabot na sa 418,000 na katao ang naapektuhan ng masamang panahon sa mga nakalipas na araw dahil sa sunod-sunod na hagupit nina Goring at Hanna, na siyang nagpalakas rin ng habagat

“Lumampas na sa 418,000 na katao ang mga apektado ng combined effects ng Goring, Hanna, at Habagat. Sa families, ito ay lampas na 114,000 families in 1,469 barangays,” ayon kay Posadas.

Samantala, kabilang ang tinatayang 21,700 na tao o 5,100 na pamilya ang kasalukuyang namamalagi sa 272 evacuation center, habang 30,000 katao o 7,400 na pamilya ang nakalikas, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Umabot na sa 501 ang bilang ng mga nasirang bahay, kung saan 405 ang nakaranas ng bahagyang pagkasira, ayon sa ulat. Matatagpuan ang mga ito sa Cordillera Administrative Region, mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas.

Nakapagpalabas na rin ang gobyerno ng ayuda na may halagang P20.9 million sa mga naturang rehiyon, kabilang na rin ang Central Luzon at Metro Manila.