OA naman! Chiz nanlaki mata sa budget ng New Senate Building

Nanlaki ang mata ni Senate President Chiz Escudero nang malaman niyang ang badyet para sa pagtatayo ng bagong gusali ng Senado ay umabot na sa P23 bilyong halaga.

Nanlaki ang mata ni Senate President Chiz Escudero nang malaman niyang ang badyet para sa pagtatayo ng bagong gusali ng Senado ay umabot na sa P23 bilyong halaga.

“Nao-OA-an lang ako, nakakagulat at masama sa panlasa na gagastos nang ganito kalaki ang Senado para sa aming magiging bagong tahanan at opisina… Nais kong tingnan muna at suriin muna ito nang husto kung talaga bang nararapat, angkop at kung papaano ito mapababa dahil tiyak ko hindi rin maganda sa panlasa ito ng marami sa ating mga kababayan,” ani Escudero.

Ayon kay Escudero, ang orihinal na inaprubahang badyet para sa proyekto ay lamang P8.9 bilyon.

Ngunit nagulantang si Escudero nang ang halaga ay lumobo pa hanggang sa P23 bilyon.

Bagaman nagulat si Escudero sa laki ng badyet, idiniin niya na hindi niya isinasabing may anomalya o katiwalian na nangyari. Dagdag niya na ito ay pagsusuri lamang ng Committee on Accounts.

“Wala akong nakitang irregularity. Nagulantang lamang ako sa halaga. Di ba kagula-gulantang ang P13 bilyon? Edi mas nakakagulantang ang P23 [billion] para sa isang opisina lamang,” ani Escudero.

“Yung naunang inaprubahang budget ay P8.9 [billion]. ‘Di namin alam kung bakit ito lumobo, nung una P13 [billion] at ngayon nga P23 [billion],” paglilinaw ni Escudero.

Ipinaiintindi ni Escudero na ang nasabing halaga ay katumbas lamang ng halaga ng ilang “luxurious” na gusali sa Makati o Bonifacio Global City.