OA kasi! San Juan LGU nag-sorry sa naperwisyo ng Wattah! Wattah festival

Humingi ng paumanhin ang lokal na pamahalaan ng San Juan City sa mga naabalang motorista sa gitna ng Wattah! Wattah! Festival.

Humingi ng paumanhin ang lokal na pamahalaan ng San Juan City sa mga naabalang motorista sa gitna ng Wattah! Wattah! Festival.

Nag-viral kamakailan sa social media ang video ng mga manlalahok ng pista na pilit binabasa ang mga dumadaang motorista at mga commuter sa kalsada doon.

Hinimok ng City Tourism and Cultural Affairs ng San Juan na pormal na mag-reklamo sa kanilang tanggapan upang masampahan ng kaukulang parusa ang mga lumabag sa batas.

“Kung kayo ay may mga pruweba ng paglabag sa batas noong Hunyo 24, maaaring isumite ang ebidensyang videos o photos sa City Tourism and Cultural Affairs Office ng Lungsod upang ito ay maproseso at malaman ang pagkakakilanlan ng mga lumabag,” saad nito sa kanilang inilabas na statement.

Samantala, tinawag ng ilang netizens na OA ang basaan ng nasabing festival at hindi raw mukhang relihiyosong pagdiriwang dahil nakakaperwisyo ng ibang tao.