OA Entertainment nag-sorry sa pag-‘vape’ ni Blackpink Jennie Kim

Humingi na ng paumanhin ang kumpanyang kinabibilangan ni BLACKPINK member Jennie Kim sa isyung paghipak nito ng vape.

Humingi na ng paumanhin ang kumpanyang kinabibilangan ni BLACKPINK member Jennie Kim sa isyung paghipak nito ng vape.

Kamakailan kasi, marami ang nagalit sa Kpop star matapos itong makitang nagbe-vape sa loob ng isang gusali.

Base sa pahayag na inilabas ng OA Entertainment, sinabi nito na pinagsisisihan ni Jennie ang kanyang ikinilos na siyang nagkaroon ng malaking epekto sa publiko.

Dahil dito, humihingi umano sila ng paumanhin sa lahat ng nagalit sa inasal ng kanilang iniidolo.

“Hello. This is OA Entertainment. We sincerely apologize to everyone who felt uncomfortable with Jennie’s actions in the content released on the 2nd. Jennie acknowledges and deeply regrets her mistake of vaping indoors and causing inconvenience to the staff,” pahayag ng OA Entertainment.

Bukod pa riyan, personal na ring nanghingi ng paumanhin si Jennie sa staff sa loob ng gusali.

“Jennie has personally apologized to all the staff on-site who may have been affected. We apologize to her fans who have been disappointed through this incident. We hope to prevent this from reoccurring in the future. Thank you,” dagdag pa nito.