O, kayo naman sa ang bumusisi: Kamara, pormal nang ipinasa sa Senado ang P5.768-T national budget

Senado naman ang bubusisi sa 2024 General Appropriations Bill bago ito ipasa sa Pangulo.

Ipinasa na ng House of Representatives sa Senado nitong Sabado, Nobyember 4, ang House Bill (HB) 8980, o ang 2024 General Appropriations Bill.

Matatandaang inaprubahan ng Kamara sa ikatlo ang huling pagbasa ang HB 8980 noon pang Setyembre 27, bago mag-break ang Kongreso.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, na isa sa mga kumilos upang maipasa ang naturang panukala, ang P5.768-trilyong national budget ng gobyerno para sa 2024 ay naglalayong iangat ang buhay ng sambayanang Pilipino ayon sa mithiin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Sa pagpasa natin ang 2024 [GAB], naging gabay ang mithiin natin na mabigyan ng ginhawa ang buhay ng ating mamamayan,” ani Romualdez sa nakiyang talumpati nang opisyal nang inaprubahan ng Kamara ang HBN 8980.

Matapos ang transmittal, Senado naman ang bubusisi sa 2024 General Appropriations Bill bago ito ipasa sa Pangulo.