Nurse tumulong na, binaril pa ng sumemplang na rider sa Caloocan

Todas ang isang nurse matapos siyang barilin ng kanyang tinulungang rider na natumba sa motorsiklo sa Barangay 173, Caloocan.

Todas ang isang nurse matapos siyang barilin ng kanyang tinulungang rider na natumba sa motorsiklo sa Barangay 173, Caloocan.

Nasawi ang biktima na si Mark John Blanco matapos itong barilin sa ulo ng dalawang beses ng rider na kinilalang si Joel Vecino.

Ayon sa pulisya, nagalit umano ang suspek kay Blanco dahil hindi na raw umaandar ang motorsiklo nito matapos mabagsak.

Doon na napagdiskitahan ang nurse at binaril ng rider.

Patay din ang isa pang biktima na si Willy Manarom matapos na barilin din ng rider sa dibdib.

Naaresto ng pulis si Vecino matapos itong masangkot sa isa pang insidente.

Kakasuhan ng double murder ang suspek, na nalamang galing sa inuman. Nakuha rin sa kanya ang baril na pinaniniwalaang ginamit sa pagpaslang kina Blanco at Manarom.