Number coding suspendido sa Mayo 1

Hindi ipapatupad sa Miyerkoles, Mayo 1 ang number coding scheme sa Metro Manila.

Hindi ipapatupad sa Miyerkoles, Mayo 1 ang number coding scheme sa Metro Manila.

“Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Miyerkules, Mayo 1, Araw ng Paggawa o Labor Day,” pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inabisuhan din ng MMDA ang mga motorista na planuhin nang maaga ang kanilang mga byahe at sumunod pa rin sa batas-trapiko.

Ang number coding scheme ay pinapatupad lamang sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa National Capital Region.