Number coding sa NCR suspendido sa Abril 9-10

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado na sa Abril 9 at 10 ay hindi ipapatupad ang number coding scheme sa Metro Manila.

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado na sa Abril 9 at 10 ay hindi ipapatupad ang number coding scheme sa Metro Manila.

Ang dalawang petsa ay parehong holiday, kung saan Araw ng Kagitingan ang Abril 9 (Martes), at Eid’l Fitr naman ang Abril 10 (Miyerkoles).

Sa mga ordinaryong araw, ang number coding ay epektibo mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hangganag alas-8 ng gabi.

Tuwing Martes, ang sakop ng coding ay mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa 3 o 4.

Samantala, mga plakang nagtatapos sa 5 at 6 ang coding tuwing Miyerkoles.