Number coding ekis sa Maundy Thursday, Good Friday

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido muna ang number coding sa March 28 at 29.

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido muna ang number coding sa March 28 at 29.

Ayon sa MMDA, hindi ipatutupad ang expanded number coding scheme sa Maundy Thursday at Good Friday.

Pinaalala rin ng ahensya na tuwing weekends ay wala ring number coding.

Gayunpaman, asahan ang mga MMDA personnel sa kalsada dahil sa ‘no absent, no leave’ policy ng ahensya.

Samantala, papayagan din ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA sa Holy Week.

Mula March 23 hanggang March 27 at April 2 ay maaaring dumaan ang provincial buses sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling-araw.

Mula March 28 hanggang April 1 naman ay 24 oras na bukas ang EDSA sa mga provincial busses.