NTC, ipinagutos ang paggamit ng live selfies para sa SIM registration

Inatasan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telco na gumawa ng mga hakbang upang hindi madaya ang photo verification sa mandatory SIM registration.

Matapos umugong ang balitang madaling nadadaya ang photo verification stage ng SIM registration, pinabago na ng National Telecommunication (NTC) ang nasabing proseso upang maiwasan ang mga pandaraya pa.

Tiniyak ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez sa mga senador nitong Martes, Setyembre 19, sa mga senador na nagpadala nan ang panibagong mandato ang ahensya sa mga telecommunications provider na gawing live selfie photo ang verification sa SIM registration.

“We issued an MO yesterday (Monday), so it’s effective immediately,” pagtitiyak ni Lopez sa budget hearing ng Senate finance subcommittee para sa budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT), kung saan ang NTC ay isang kawani.

Dagdag ni Lopez, makatutulong ang new guidelines para siguruhing legitimate users lamang ang makapagre-register ng mga SIM card.

“They (telecommunications companies) will install technologies that will ensure na wala na pong monkey po na makaka-register katulad po ng live selfies. We require live selfies,” sabi pa ni Lopez.

“Hindi na rin po i-allow yung stock photos as selfie,” dagdag niya.

Kaugnay nito, una na ring iminungkahi ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na ayusin ang national ID upang makatulong kontra pandaraya sa SIM registration.