NSC kinontra Imee: China hindi mambobomba!

Handang makipag-ugnayan ang National Security Council (NSC) kay Sen. Imee Marcos matapos ang kanyang kamakailang pahayag na plano ng China na magpadala ng "hypersonic missiles" sa ilang lugar sa Pilipinas.

Handang makipag-ugnayan ang National Security Council (NSC) kay Sen. Imee Marcos matapos ang kanyang kamakailang pahayag na plano ng China na magpadala ng “hypersonic missiles” sa ilang lugar sa Pilipinas.

Ipinahayag ito ng senadora matapos nagkasundo ang Beijing at Manila na pahupain ang tensyon sa West Philippine Sea.

Noong Hulyo 1, nag-post si Marcos ng video sa kanyang Facebook page kung saan sinabi niya na pinaplanong padalhan ng Chinese government ng hypersonic missiles ang 25 lugar sa Pilipinas.

“We will reach out to Senator Imee to get more information about her statement because we are not aware of any of the security threats she mentioned,” saad ng NSC.

“In yesterday’s 9th Bilateral Consultation Meeting, the Philippines and the PRC reaffirmed their commitment to de-escalating tensions in the West PH Sea,” dagdag pa nito.

Sinabi ng NSC na ang Pilipinas at China ay handang ayusin ang anumang hindi pagkakaintindihan, kaya’t wala silang nakikitang banta ng pag-atake.

“There was also substantial progress on developing measures to manage the situation at the West Philippine Sea, including improving maritime communications. The PH and PRC maintain cordial relations and are committed to managing whatever differences there maybe, thus, we see no threat of any imminent attack from the PRC,” paliwanag pa ng NSC.